Aabot sa pitong milyong accounts mula sa mga kabataang nasa edad 13 pababa ang tinanggal ng chinese-owned app na TikTok.
Ayon sa Tiktok, halos 62 milyon na video rin ang kanilang tinanggal dahil sa paglabag nito sa community standards tulad ng hateful content, harassment o safety for minors.
Gumagamit aniya sila ng safety moderation team upang ma-monitor kung nasa tamang edad na at hindi underage ang mga users.
Sa kabuuan, nasa isang billion ang TikTok users sa buong mundo habang 100 milyon naman dito ang nagmula sa Estados Unidos.
Facebook Comments