7 minero, na-trap matapos gumuho ang isang minahan sa Mexico

48

Pitong minero ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad matapos gumuho ang isang minahan sa Coahuila, Mexico.

Ayon sa imbestigasyon, gumuho ang minahan dahil sa baha na mula sa munisipalidad ng Muzquiz.


Ilang pamilya na rin ang tumawag sa mga otoridad upang mapauwi ang 63 na minero na nasa mining site.

Ang Coahuila ay isa sa pinakamalaking minahan sa rehiyon na may mga naitatalang fatal accidents nitong mga nakaraang taon.

Facebook Comments