Margielyn Didal, pasok na sa Tokyo Olympics

28

Pasok na sa Tokyo Olympics ang Filipino skater na si Margielyn Didal matapos makakuha ng slot nang lumahok sa World Skate Championships sa Rome, Italy.

Bagama’t bigo na makapasok sa finals, qualified naman na si Didal sa Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Hulyo.


Hawak ngayon ni Didal ay ika-13 puwesto sa world ranking.

Matatandaang nanalo ng ginto si Didal sa Asian Games noong 2018 at Southeast Asian Games noong 2019.

Facebook Comments