7 miyembro ng baklas bubong robbery group patay sa engkwentro

117

Patay ang pitong miyembro ng baklas bubong robbery group matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Banyaga Agoncillo Batangas.

Ayon kay PNP Calabarzon Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran, alas 4:45 ng madaling araw kanina nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng mga pulis at robbery group.

Aniya sakay ng puting Toyota Hi Ace van ang mga suspek na may plate number TIH 344 at hindi pinansin ang PNP Comelec checkpoint sa bahagi ng Barangau Berinayan, Laurel, Batangas dahilan para matanggal ang inilagay na mga checkpoint barriers.

Dahil dito naalerto ang mga pulis na agad na nagsagawa ng lockdown operation sa boundary ng Laurel at Agoncillo Batangas.
Nakorner ng mga pulis ang mga suspek sa may bahagi ng Barangay Banyaga pero sa halip na sumuko ay pinagbabaril ang mga pulis dahilan para gumanti ang mga pulis.

Nagkaroon ng ilang minutong putukan bago dahilan ng pagkamatay ng mga suspek.

Wala naman nasawi sa panig ng mga pulis sa kabila na tadtad rin ng tama ng bala ng baril ang PNP patrol vehicle.
www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments