7 natitirang OFWs na galing South Africa, patuloy na tinutunton ng gobyerno hinahanapan pa rin

Hinahagilap na ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang kinaroroonan ng nalalabing 7 pasaherong galing ng South Africa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni BOQ Deputy Dir. Roberto Salvador na patuloy silang nakikipagtulungan ngayon sa Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Salvador, ang mga ito ay may problema sa contact numbers kaya ang mga address na nila ang pinupuntahan ng mga awtoridad.


Paglilinaw ni Salvador, ang mga pasaherong ito ay na-clear naman ng kagawaran noong dumating sila sa bansa sa panahong wala pang umiiral na travel ban sa South Africa.

Kinakailangan lamang aniya silang ma-contact at makausap ngayon para makasiguro na wala silang nararamdamang sintomas ng COVID-19 sa panahon ng kanilang home quarantine.

Facebook Comments