Pitong lungsod sa National Capital Region ang hindi na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, kabilang dito ang Malabon, Mandaluyong, Marikina, Navotas, San Juan, Valenzuela at Pateros.
Habang 63 bagong kaso ang naitala sa Metro Manila kahapon kung saan pinakamarami ay sa Quezon City na nasa 15.
Tag-siyam naman sa Makati at Maynila; pito sa Parañaque; tag-lima sa Caloocan at Pasig; tag-apat sa Pasay at Taguig; tatlo sa Las Piñas at dalawa sa Muntinlupa.
Samantala, kahapon nang maitala ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso sa bansa ngayong taon na nasa 2,688 na lang.
Facebook Comments