Monday, April 6, 2026

7 pang OFWs mula sa Lebanon, dumating sa bansa sa ilalim ng repatriation program

Pitong pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon ang dumating sa bansa kaninang umaga.

Sila ay kabilang sa mga tumawid sa land crossing sa gitna ng giyera sa Middle East.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-aalok ng trabaho sa libu-libong OFWs na umuwi ng Pilipinas mula sa Middle East.

May 8,000 na local at overseas job opportunities na iniaalok sa mga Pinoy worker para sa kanilang muling pagsisimula.

Kabuuang 15 recruitment agencies at local companies ang nag-aalok ngayon ng trabaho para sa mga OFW mula sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments