7 Pinoy, panibagong gumaling sa COVID-19 sa abroad

Walang naitala ang Department of Foreign Affairs na bagong Overseas Filipinos na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Wala ring naitalang bagong binawian ng buhay habang 7 namang mga Pinoy sa ibayong dagat ang bagong gumaling.

Sa ngayon, umaabot na sa 18,141 ang kabuuang bilang ng OFWs ang na-infect ng COVID-19 sa abroad.


Sa nasabing bilang, 5,877 pa ang patuloy na nagpapagaling.

11,149 naman ang mga gumaling na habang nananatili sa 1,115 ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments