Dating Pangulong Joseph Estrada, ililipat na ng kwarto matapos unti-unting bumuti ang kalagayan

Ililipat na sa isang regular na kwarto si dating Pangulong Joseph Estrada matapos unti-unti nang makitaan nang pagbuti sa kalagayan nito.

Ayon sa anak nitong si dating Senator Jinggoy Estrada, normal na ang vital signs ng ama habang maganda na rin ang daloy ng oxygen sa katawan nito.

Nananatili namang stable ang blood pressure nito kaya ipinayo ng doctor na mailipat na sa normal na kwarto ang dating Pangulo.


Ngayong araw magdiriwang ng ika-84 na kaarawan si dating Pangulong Joseph Estrada kaya bibisitahin ni Jinggoy ang kaniyang ama upang magkaroon ng maliit na sorpresa at selebrasyon.

Facebook Comments