7 pulis na matagumpay na nakipagsagupa sa NPA sa Northern Samar noong 2019, na-promote

Inaprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang promosyon ng pitong pulis ng Northern Samar matapos na matagumpay na makipaglaban noong 2019 sa mga umatakeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Victoria, Northern Samar.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, isinagawa ang seremonya para sa meritorious promotion award ng pitong pulis sa flag raising ceremony kaninang umaga sa Camp Crame.

Kinilala ang mga na-promote na sina Police Captain Eladio Alo, Chief of Police ng Victoria Municipal Station; Police Executive Master Sergeant Aimee Lutze D Cadiente; PEMS Marlon Ordoni; Police Chief Master Sergeant Arturo Gordo, Jr; Police Senior Master Sergeant Arnold Cabacang; PMSg Ramil C Ramosa; at PMSg Raul Francisco, Jr.


Binigyan naman ng medalya ng kadakilaan si PNP Chief General Dionardo Carlos dahil sa maayos na koordinasyon at pamamahala dahil siya noon ang kasakuluyang Regional Director ng PNP Region 8 nang mangyari ang pagatake.

Facebook Comments