7 Pulis sa Isabela PPO, Tinamaan ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang pitong (7) pulis na kinabibilangan ng dalawang (2) NUP sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ito ang kinumpirma ni PCol James Cipriano, Provincial Director ng PNP Isabela sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Batay sa inilabas na datos mula sa Integrated Provincial Hospital Office, ang dalawang nagpositibong NUP ay sina CV2372 na taga Bliss Village, Ilagan City at CV2358 na taga Enrile, Cagayan.


Nahawaan ng dalawang NUP ang lima (5) pang Police Officer na sina CV2525 at CV2527 na kapwa nasa quarantine facility ng syudad ng Ilagan habang sina CV2530, CV2531 at CV2533 na nakatalaga sa investigation unit ay naka-isolate na rin sa mga quarantine facilities ng Lungsod.

Nasa 20 pulis ang isinailalim sa swab test noong October 19, 2020 maliban pa sa 2 NUP hanggang sa lumabas ang kanilang resulta kung saan positibosa virus ang 5 police officer.

Mayroon namang 9 ang nagnegatibo sa swab test na nakatakdang dalhin sa Punta Amelita sa bayan ng Cordon, Isabela para obserbahan dahil sila ay mga naging direct contacts ng mga nagpositibo.

Ayon pa kay PCol Cipriano, nakapagsagawa na ng disinfection sa kanilang kampo at pansamantalang ini-lockdown ang investigation office.

Dagdag pa ng Provincial Director, kahit mayroong tinamaan ng COVID-19 sa kanyang hanay ay tuloy pa rin ang kanilang mandato at pagbibigay ng serbisyo publiko.

Facebook Comments