7 respondents sa Dacera case, naghain na ng kanilang counter affidavit sa Makati Prosecutor’s Office

Pito sa 11 respondents sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang nagsumite ng kanilang counter affidavit sa preliminary investigation kanina sa Makati Prosecutor’s Office

Bigo naman ang PNP na makapagsumite ng ilang dokumento para sa imbestigasyon.

Ayon sa Makati City Prosecutors Office, bigong makapagsumite ang Philippine National Police (PNP) ng DNA, toxicology, chemical analysis, histopath examination at laboratory result mula sa Makati Medical Center (MMC).


Dahil dito, nagdesisyon ang korte na isagawa ang susunod na pagdinig sa Enero 27 dakong alas-9:00 ng umaga.

Pero nakapagsumite naman ng supplemental complaint ang investigating police officer ng PNP sa isinagawang pagdinig.

Nag-manifest naman ang PNP at sinabing hinihintay pa nila ang resulta ng mga eksaminasyon sa bangkay ni Christine at isusumite nila ito sa susunod na pagdinig.

Sa isinagawang preliminary investigation kaninang umaga, nagsumite ng kani-kanilang counter affidavit sa prosecutor’s office ang pito sa 11 respondent sa kaso.

Lima sa pitong respondents ang nagsumite ng joint affidavit.

Kabilang sa mga dumalo sa preliminary investigation ang manager ng hotel na si John Paul Halili na sinasabing kaibigan ni Dacera.

Maging ang respondents na sina JP dela Serna, Rommel Galido, Clark Rapinan at Gregorio de Guzman ay dumating din sa pagdinig na isinagawa sa Office of the City Prosecutor ng Makati at ang humahak sa kaso ay si Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan.

Una rito, nagdesisyon noon si Santillan na magkaroon ng preliminary investigation sa kaso dahil may mga isyu aniyang kailangang linawin para malaman ang partisipasyon at culpability ng bawat respondent sa isyu ng rape at pagpatay kay Dacera.

Facebook Comments