7 seafarer na pinauwi galing Libya, tutulungan ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutulungan ang pitong seafarer na pinauwi mula Libya.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III – maliban sa financial at livelihood assistance, aayudahan ang mga seafarer hinggil sa pagbabayad ng kanilang unclaimed wages at benefits.

Aniya, makikipag-coordinate sila sa manning agency para mapabilis ang pagbabayad ng kanilang unpaid wages at iba pang monetary benefits.


Handa rin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magbigay ng tulong partikular ang livelihood assistance at skills training.

Ang pitong seafarers, na ikinulong sa Libya noong 2017 ay nakauwi sa Pilipinas noong nakaraang buwan matapos mapawalang sala para sa alegasyong fuel smuggling.

Facebook Comments