PNP, tiniyak na itataguyod ang konstitusyon kasunod ng bantang ‘revolutionary war’ ni PRRD

672

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na itataguyod ang konstitusyon.

Ito ay kasunod na rin ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendihin ang writ of habeas corpus at magdedeklara ng “revolutionary war”.


Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – magsasagawa lamang sila ng mga pag-aresto kung minamandato ito ng batas.

Nabatid noong Nobyembre 2017, nagbabala na rin ang Pangulong Duterte na bubuo ng revolutionary government upang mapigilan ang mga taga-oposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers