7 SUGAROL SA CAUAYAN CITY, DIRETSO SA KULUNGAN

23

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang pitong indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa barangay Labinab, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cauayan City Police Station, nakilala ang mga nahuli na sina Ronalyn Acebron, 30 taong gulang, may asawa, residente ng brgy. Cabaruan, Cauayan City; Nely Lazaro, 37 taong gulang, may asawa, residente ng Bonifacio, Angadanan, Osabela; Romie Molina, 43 taong gulang, may asawa, drayber, residente ng barangay Labinab; Nilo Manansala, 55 taong gulang, walang asawa, residente ng brgy. Tagaran, Cauayan City; Mariano Cureg, 38 taong gulang, walang asawa, residente ng brgy Nappacu Pequenio, Reina Mercedes; Melanio Del Rosario, 47 taong gulang, walang asawa, residente ng Nungnungan 1, Cauayan City at Orlando Telan, 47 taong gulang, may asawa, negosyante at residente ng barangay Labinab.


Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya kaugnay sa ginagawang pagsusugal ng mga suspek partikular sa bahay ni Telan na agad namang tinugunan ng kapulisan.

Nang makarating sa lugar ang tropa ng PNP, naaktuhang nagsusugal (Bet Game) ang mga suspek na sanhi ng kanilang agarang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang kanilang ginamit na isang set ng baraha; pera na nagkakahalaga ng Php1,440.00; isang lamesa at anim na monoblock.

Pawang nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang pitong suspek at sila’y pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanilang piyansang tig-sampung libong piso (Php10,000.00).



Facebook Comments