Cauayan City, Isabela- Natanggap na ngayong araw ng 7 na mga dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang kanilang benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.
Limang (5) rebelde na nagbalik loob noong taong 2019 sa 95th Infantry Battalion ng 5th ID, PA ang nabigyan ng livelihood assistance o cash na tig- P65,000 habang ang dalawa (2) na mula sa 502nd Infantry ‘Liberator’ Brigade ay nakatanggap ng tig P95,000 dahil na rin sa mga isinukong armas.
Patuloy pa rin ang pagsisiyasat at pagproseso ng kasundaluhan sa lahat ng mga sumukong rebelde noong 2019 upang maibigay sa lalong madaling panahon ang kanilang mga benepisyo mula sa gobyerno.
Facebook Comments