7 Sumukong NPA sa Nueva Ecija, Nabigyan ng Financial Assistance mula sa E-CLIP ng AFP!

*Fort Magsaysay, Nueva Ecija- *Nabigyan kaninang umaga ng financial assistance mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng AFP ang pitong sumuko na kasapi ng New People’s Army (NPA) na isinagawa sa Old Capitol, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Pinangunahan ito ni Col. Rowen S. Tolentino, Commander ng 703rd Infantry Brigade, Philippine Army kasama ang ilang miyembro ng PNP, DILG, DSWD at LGU ng Nueva Ecija.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, ang pitong kasapi ng NPA na sumuko sa pamunuan ng 7th Infantry (Kaugnay) Division nitong nakaraang buwan ng Hunyo ay nabigyan ng kabuuang halaga na tatlongdaan at tatlumpu’t limangdaang libong piso (335,000.00).


Nakatanggap naman ng tig-isang tseke ang pitong sumuko na nagkakahalaga ng nasa 15,000.00 hanggang 65,000.00.

Ito ay bilang programa ng ating pamahalaan katuwang ang AFP para sa lahat ng mga sumusukong rebelde sa gobyerno.

Pinaalalahanan naman ni Major General Felimon Santos Jr ang lahat ng mga NPA na sumuko na lamang upang matamasa ang programa ng ating gobyerno.

Facebook Comments