7 sundalo ng Phil Marines sugatan sa roadside bombing sa Maguindanao

Pitong miembro ng Philippine Marines ang sugatan sa nangyaring roadsidebombing kaninang ala 1:10 ng madaling araw sa Barangay Mirab sa bayan ng Upi sa lalawigan ng Maguindanao .
*Nakasakay umano sa isang KM450 military vehicle ang mga sundalo na kasapi ng Marine Battalion Landing Team 5 at nagsasagawa ng pagpapatrolya ng mangyari ang pagsabog at pananambang sa kanila. *
*Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina Major Romulo Ducay, Cpl. Arnel Jun, Cpl. Alvin Sangadan, Cpl. Ryan Cabual, Cpl. Oliver Albo, Pfc. Johnny Panday at Pfc. Gerwin Perez. S*
*Mabilis na gumanti ng putok ang mga sundalo dahilan para tumakas kaagad ang mga armado. Isinugod naman kaagad sa 6ID hospital ang 7 sugatang mga sundalo.(Amer Sinsuat)*

Facebook Comments