AKSIDENTE | Bata, patay matapos mahulog sa condo

Taguig – Patay ang isang batang Koreano makaraang mahulog mula sa ika-39 na palapag na condominium.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Southern Police District naganap ang insidente kaninang alas-dose y-sinco ng tanghali sa Two Serendra condominium, BGC Fort Bonifacio Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Kim Do Young, 4 yrs. old, Korean National na naninirahan din sa nasabing condo.


Aksidente umanong nahulog ang bata mula sa ika-39 na palapag ng gusali.

Naisugod pa ang biktima sa St. Luke’s BGC pero kalaunan ay idineklara ring patay.

Facebook Comments