7 sundalo, sugatan sa nagpapatuloy na clearing operations sa Marawi

Marawi City – Pitong sundalo ang sugatan sa nagpapatuloy na clearing operations sa Marawi City.

Sa press briefing sa Malacañang – kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla na limang sundalo ang sugatan habang nagki-clear ng mga Improvised Explosive Device.

Habang ang dalawa ay nasugatan ng makasagupa ang ilang naiwang miyembro ng Maute sa Marawi.


Tiniyak naman ni Padilla na hindi bibitiw ang militar hanggat ang bawat gusali na pinag-iwanan nila ay libre na sa mga kalabang nagtatago pa rin.

Facebook Comments