Bank accounts at mga stocks ng 4 SSS official, hiniling na i-freeze at i-sequester

Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang SSS na i-freeze ang lahat ng financial accounts at i-sequester ang mga stocks na kinuha ng apat na opisyal ng ahensya.

Giit ni Zarate, hindi lamang dapat kaso ang kaharapin ng mga opisyal na dawit sa iregularidad kundi dapat ay kuhain ng SSS ang anumang dapat ay para sa ahensya.

Inirekomenda din ni Zarate na ibalik sa ahensya ang stocks na nakuha ng apat na opisyal at ilagay sa pondo ng SSS.


Apat na opisyal ang nasasangkot sa anomalya matapos na i-trade ang sariling stocks gamit ang stockbroker ng SSS na namamahala sa pension fund ng ahensya.

Hinihiling din ni Zarate na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng sss para makita kung sino sa mga ito ang nagpapayaman sa pwesto.

Facebook Comments