7 suspected election-related incidents naitala, 2 rito ang patay —PNP

Nakapagtala na ng pitong suspected election-related incidents ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Police Brigadier General Jean Fajardo, isa rito ay naitala sa Region 1 kung saan isang municipal councilor ang naging biktima.

Binaril at napatay ito ng dalawang nakasakay sa motorsiklo habang nag-aalmusal nitong January 25.


Samantala, isa naman tagasuporta ng tumatakbong municipal councilor sa Maguindanao ang patay sa Region 12.

Nangyari ang insidete noong January 18.

Ayon kay Fajardo, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bukod dito, nakapagtala rin ng isang suspected ERI sa Region 2 at apat naman sa Region 6.

Ani Fajardo, dadaan sa validation ng Regional Offices ng PNP ang mga suspected ERIs para matukoy kung validated o non-ERI ang mga naitalang insidente.

Facebook Comments