Cauayan City, Isabela- Muling pinaalalahanan ang publiko ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Isabela sa patuloy na pagtangkilik sa mas mabilis na pagkuha ng BIR-TIN sa pamamagitan ng Social Media.
Ayon kay Client Support Section Head Aida Maramag, malaki ang posibilidad na invalid ang pinagkukunan ng tin number na binibigay sa mga patuloy na tumatangkilik sa nasabing paraan.
Kaugnay nito, nakapagtala ang BIR Isabela ng 7 taxpayers na biktima ng pamemeke ng tin number matapos itong mag-invalid.
Paliwanag pa nito, walang dapat bayaran sa pagkuha ng tin number at id kaya’t ang patuloy na pagtangkilik sa pagkuha online ay isang paraan na pambibiktima sa mga taxpayers o empleyado.
Giit pa ni Maramag na mapapatawan ng kasong kriminal ang mga nag-iisyu ng BIR TIN sakaling mapatunayan ito sa ilalim ng batas.
Sa kabila nito ay hinihimok ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa Revenue District Office sa Bayan ng Naguilian sa pagkuha ng BIR-TIN.