7 Tips Para Makaiwas sa Utang

IMAGE: MYVENTUREPAD

Ang ating bansa ang isa sa may pinakamataas ang presyo ng bilihin kaya kung minsan ang budget naiipit, bukod dito naglilipana na rin ang iba’t ibang uri ng pangungutang kaya ang ilan sa ating kababayan utang here, utang there.

Ito ang ilan sa mga tips kung paano ka makakaiwas sa utang:

 

 

  1. Matutong Pagkasyahin ang Budget.

 

Kung sa isang araw mayroon ka lamang nakalaan na budget kasama na ang pamasahe at pagkain, siguraduhin na hindi lalagpas dito ang gagastusin.

2. Magsimulang mag-impok.

 

 

Ang pag-iimpok ang isa sa pinaka mabisang paraan upang makaiwas sa utang, maaaring magtabi ng kahit kaunti sa sweldong matatanggap upang sa panahon ng emergency may mahuhugot. Pwede mo itong gawin sa bahay, bumili o gumawa lamang ng alkansya makakaipon ka na, o di kaya naman ay sa bangko. Ang paunti-unting paghuhulog ay maaaring lumaki pagdating ng panahon. 3.

3. Isantabi ang mga gusto at luho ng katawan.

 

 

Isa sa dahilan ng pagkakautang ay ang mga luho, mga bagay na pansamantala. Isiping mabuti “kailangan ko ba talaga ang mga bagay na ito?” kung hindi naman kinakailangan ay wag na munang bilhin. Unahin ang mga bagay na sobrang kinakailangan.

4. Iwasan at layuan ang masamang bisyo.

 

 

Ang alak, sigarilyo, sugal at iba pang uri ng bisyo ay mga bagay na makasisira hindi lamang sa pagkatao ngunit pati na rin sa ating mga bulsa. Ang bawat perang winawaldas sa mga masasamang bisyo ay mas maaaring ilaan sa mas mahahalagang bagay.

5. Planuhin ang bawat pagkakagastusan.

 

 

Sa taas ng bilihin natin ngayon, mas magandang matuto tayo sa pagbudget at pagplano ng ating mga gastusin. Maaaring ilista sa papel, notepad, sa mga gadgets para hindi ito makalimutan. Maaari ding ilista ang presyo ng bibilhin upang alam mo kung magkano ang perang iyong ilalabas.

6. Maghanap ng karagdagang kita.

 

Kung may ekstrang oras maaring maghanap ng paraan upang makadagdag ng kita, sa panahon natin ngayon na kahit sa simpleng paggamit lamang ng social media ay maari ka ng kumita. May napakaraming paraan upang madagdagan ang kinikita buwan buwan.

7. Huwag mahiyang humingi ng tulong o payo.

 

 

Magandang lumapit o humingi ng tulong sa mga taong may kaalaman sa larangan ng pinansiyal, may malaking parte ang mga ito upang mapalago o di kaya naman ay maipon ang perang sinesweldo. Maraming mga financial advisors ang meron sa ating bansa, wag mahihiyang manghingi ng advice sa mga eksperto.

 

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming paraan upang makaiwas sa utang. Tandaan masama ang sobra, at madalas ang sobra ang siyang nagiging dahilan ng ating pagkakautang. Maging wais. Kung kaya ng ilan, kaya mo rin.

 

 


Article written by Marvea Quisay

Facebook Comments