7 toneladang PPE at medical supplies na bigay ng UAE sa Pilipinas, dumating na

Natanggap na ngayong araw ng Gobyerno ang pitong toneladang Personal Protective Equipment (PPE) at medical supplies na donasyon ng United Arab Emirates sa Pilipinas para sa kampanya  kontra sa Coronavirus disease 19.

Mismong sinasksihan nina National Action Plan against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. At Health Secretary Francisco Duque ang pagtanggap ng donasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. mula kay UAE Ambassador Hamad Al-Zaabi, sa Department of foreign Affairs (DFA).

Binubuo ito ng 4,000 kilos ng assorted PPE, kabilang ang face masks, gloves at shoe covers, at 3,000 kilo ng medical supplies tulad ng sanitizers and wipes.


Gagamitin ng Department of Health (DOH) upang mapangalagaan ang mga medical frontline workers laban sa COVID-19.

Facebook Comments