7 Tsuper, Huli sa Paglabag sa GCQ!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 7 katao dahil sa paglabag sa RA 11332 sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng General Community Quarantine sa Purok 2, Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga lumabag na sina Domingo Hildo Lastra, 55 anyos, isang tricycle driver, residente ng Bannawag Sur sa Lalawigan ng Quirino; Loreto Dagdag, 48 anyos, tricycle driver, residente ng Brgy. Nabuuan, Santiago City; Angelito Capurian, 47 anyos, isang tricycle driver, residente ng Brgy. Mabini; Dionisio Silva, tricycle driver, residente ng Brgy. Naggasican sa lungsod; Jojie Aduva, driver, residente ng Ramon, Isabela; Christian Briones, tricycle driver, residente ng Brgy. Rizal, Santiago City, Ron Julio Cabbat, 28 anyos, binata, tricycle driver at residente naman ng Brgy. Dubinan East, Santiago City.

Ayon sa Presinto Uno ng SCPO, dinakip ang mga suspek matapos lumabag sa mga ipinatutupad na alituntunin ng GCQ na layong maiiwas ang publiko sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).


Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang mga nahuling suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments