Willie Revillame, pinuri si Vico Sotto: ‘Good example sa lahat’

813

Wala raw bahid ng politika ang pagpapahayag ni Willie Revillame ng paghanga kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa live broadcast ng “Wowowin” noong Huwebes, pinuri ng host ang mahusay na pagpapalaki ni Vic Sotto at dating partner na si Coney Reyes sa batang alkalde.


Aniya, kapansin-pansin ang galing at personalidad ni Vico bilang public servant.

“Napaka-simple. God-fearing kasi ‘yun at saka kay Tita Coney, ang ganda ng pagpapalaki. Napakasimpleng tao. Kung magsalita malumanay,” paglalarawan ni Revillame sa binata.

Dagdag pa niya, “Mayor Vico Sotto, saludo kami sa‘yo. You’re a good example sa kabataan, sa aming lahat.”

“Kaya ang Pasig, tingnan mo, wala kang madidinig na may reklamo, wala kang madidinig na ganito kasi nakikita mo, laging nasa labas. Mayor Vico Sotto, ang galing mo,” sabi ng host.



Nilinaw naman ni Revillame na walang halong pamumulitika ang pagpuri niya kay Vico.

Nararapat lamang aniya na kilalanin ang husay ng mga naglilingkod sa publiko, lalo na ngayon sa gitna ng krisis sa COVID-19.


Ilang opisyal ng gobyerno na rin ang lumabas sa “Wowowin” tulad nina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Facebook Comments