7 TRILYONG PISO | Utang ng Pilipinas, lumobo

Manila, Philippines – Lumobo pa sa mahigit pitong trilyong piso ang utang ng Pilipinas noong Hulyo.

Kumpara ito sa mahigit 6.8 trilyong pisong utang noong Hunyo.

Ayon sa Bureau of the Treasury – ito ay dahil sa mahinang piso kontra dolyar at pagbebenta ng retail treasury bond.


Pinakamalaking bahagi ng utang na umaabot sa P4.6-trillion ay mula sa local sources habang P2.4-trillion ay mula sa foreign sources.

Dahil dito, inaasahan ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot sa P7.3-trillion ang magiging utang ng bansa sa pagtatapos ng taon at posibleng lumampas pa sa P8-trillion pagsapit ng 2019.

Dahil naman ito sa implementasyon ng mga naglalakihang infrastructure project ng gobyerno na pinondohan ng foreign lenders gaya ng China.

Facebook Comments