Cauayan City, Isabela- Hinuli ng mga otoridad ang 7 tricycle driver matapos na lumbag sa number coding sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad sa Santiago City.
Kinilala ang mga lumabag na sina Manuel Dela Cruz, Dante Rivera, Edison Carriaga, Leonardo Ruan, Joven Alcantara, Alvaro Facunla at John Casper Lacaden, pawang nasa hustong mga gulang at residente sa Lungsod.
Ayon sa Presinto Uno ng SCPO sa pamumuno ni PCapt. Romel Cancejo, nilabag ng mga nasabing tsuper ang section 6 na nakapaloob sa ipinalabas na EO ni Mayor Joseph Tan kaugnay sa umiiral na General Community Quarantine sa siyudad.
Batay sa number coding, papayagan lamang ang mga drayber ng pampublikong tricycle na mamasada kung masusunod ang odd at even number na layong maiiwas ang nakakarami sa siksikan sa mga pampublikong lugar gaya sa palengke.
Bilang parusa sa mga lumabag, isinailalim ang mga ito sa Community Service subalit dadaan pa rin sa regular filing ang kanilang paglabag na may kaugnayan sa RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases”.
Mahigpit naman na paalala ng mga kinauukulan sa mga motorista na sumunod sa mga ipinapatupad na alituntunin kaugnay sa COVID-19.