Para sa marami, ang tsaa ay isang gamitan lang pagkatapos inumin ito pero lingid sa kaalaman ng nakararami bukod sa benepisyong maaring makuha dito ay marami rin itong mapaggagamitan.
Narito ang ilang pwedeng gamit ng iyong “gamit na tsaa” o “used teabags:”
- Sa isang katamtamang sukat na batya o palanggana, kumuha ng maligamgam na tubig at ilagay ang mga nagamit na tsaa o “teabags”. Ibabad ang paa ng dalampung minuto upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng masangsang na amoy sa paa.
- Pwede itong gamitin na pampa-taba ng lupa para sa maiwasan ang fungal infections ng iyong mga halaman sa bahay.
- Pwede itong gamitin upang magpaginhawa ng mga namamagang mata o kaya sa mga pasa at kagat upang mabilis gumaling ito.
- Pwedeng gamitin ang mga gamit na teabag bilang mouthwash upang maiwasan ang ‘bad breath’ lalo na sa umaga.
- Pwede rin itong pang-tanggal ng kalawang ng mga kaldero; basta’t siguraduhin na lahat ng parte ay nadaanan ng iyong ‘teabag.’
- Pwede itong pantanggal ng eyebags; ang gawin lamang dito ay ipatong sa mata nang medyo basa upang makatulong itong magpaliit ng eyebags.
- Pwede itong gawing alternative sa baking soda upang mawala ang masasamang amoy sa refridgerator upang maging fresh muli.
Written by Avish Jazthine Manaloto and Patrize Jasel Culang
Facebook Comments