Nabigong makapasok sa bansa ang 7 Vietnamese matapos silang pigilan sa Ninoy Aquino Int’l. Airport, o NAIA sa magkakahiwalay na arrival.
Sa profiling kasi sa kanila ng Immigration Officers, inihayag ng mga Vietnamese inendorso raw sila ng isang I.T business solutions company sa bansa.
Nang tanungin kung papano sila nagkaroon ng koneksyon sa kompanya, umamin ang mga ito na hindi sila magkakakilala at nagkita-kita lang sa paliparan sa Vietnam.
Hindi rin matukoy ng mga dayuhan kung ano talaga ang kanilang sadya sa Pilipinas, kaya sila ay agad na pinabalik sa kanilang country of origin.
Ayon sa Immigration, lumabag ang 7 Vietnamese sa Section 29(a) 5 ng Philippine Immigration Act of 1940, kaya hindi sila pinayagang makapasok ng bansa.
Facebook Comments