70 anyos na lalaki, nirescue ng CSWD sa tulong ng tagapakinig ng dxCC-RMN Cagayan de Oro

127

Isang 70 anyos na si Tatay Ignacio Ongcoy, taga Ozamiz ang kinuha ng City Social Welfare and Development o C-S-W-D sa broadcast center ng dxCC-RMN Cagayan de Oro.
Si Tatay Ignacio ay hinatid ng tagapakinig ng dxCC-RMN na si Andrew Jacutin nang makita niya ito sa Burgos Street dito sa syudad.
Napag-alaman na si Tatay ay nagpa-dialysis kahapon sa NCCDO Dialysis Center at tumambay nalang sa gilid ng daan dahil hindi na maalagaan ng kaniyang pamilya.
Inihayag ni Tatay Ignacio na lumayas siya sa bahay ampunan noon pang buwan ng Mayo ngayong taon.
Dumadaing ng sakit si Tatay Ignacio ng isinakay ito ng sasakyan ng mga taga C-S-W-D.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments