Team Pilipinas – may tatlong medalya na isang araw bago pormal na magsimula ang 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia

SEA Games – May tatlong medalya na ang Team Pilipinas isang araw bago pormal na magsimula ang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Muling nakakuha ng medalyang tanso ang Pilipinas sa Archery Men’s Team Compound Event matapos talunin ang Vietnam sa kanilang battle for third sa KL Sports City.

Naunanang nakasungkit ng bronze medal sa Individual Compound Event si Paul Marton Dela Cruz kahapon.


Samantalang nakuha naman ng Men’s Sepak Takraw Team ang medalyang pilak sa Chinlone Event 3 Competitions noong Martes.

Target ng Pilipinas na makapag-uwi ng 50 medalyang ginto sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Facebook Comments