Pinagpapaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 70 construction companies sa lungsod matapos mabuko na lumabag sa health and safety protocols para sa COVID-19.
Ito’y nang magsagawa ng surprise inspections ang City Department Building officials sa mga non-compliant projects.
Natuklasan din na pito sa mga proyekto ay pinagmulan ng ilang indibidwal na nag -positibo sa COVID-19.
Dahil dito, mapapatawan ng penalties ang mga lumabag.
Bukod sa paglabag sa Department Order No. 39 ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nilabag din ng mga ito ang binagong construction guidelines ng Department of Building Official at City Engineering Department sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para sa construction infrastructure projects sa lungsod.
Papayagan lamang sila na maipagpatuloy ang on-site construction activities kapag nakumpleto na ang kanilang 14-day quarantine protocol at maipasa ang assessment ng Local Government Unit (LGU).