Pagtulong ng ilang celebrities kay John Regala, itinigil na!

47249

Useless lahat ng efforts namin

Ito ang sagot ng veteran entertainment columnist/talent manager na si Manay Aster Amoyo kung bakit sumuko sila nina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus sa pagtulong sa 55-anyos na aktor na si John Regala.


Ayon sa joint statement nina Manay Aster, Nadia at Chuckie, ikinalulungkot nila ito pero hindi raw nila gustong tulungan ang isang uncooperative individual.

Ayaw rin daw nilang i-tolerate ang terrible habit at abusive self-medication ni John.

Tiniyak naman nila Nadia na lahat ng nalikom na halaga at donasyon para sa pagpapagamot ng aktor ay ite-turn over kung sinuman ang susunod na mag-aalaga rito.

Umaasa naman sila na makikinig na si John sa payo ng mga doktor at sa mga taong nagmamalasakit at sana raw ay gamitin niya nang tama ang nalikom na pera bilang tulong sa kaniya.




Facebook Comments