Umabot sa 70 lugar ang nakaranas ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong Egay.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Hulyo 27.
Nanguna ang MIMAROPA sa may pinaka-maraming lugar na binaha na umabot sa 23.
Sinundan ito ng Central Luzon, na umabot sa 21 lugar at Bangsamoro Autonomous Region sa 10 lugar.
Nakapagtala naman ng limang landslide sa Western Visayas.
Habang 107 road sections at 19 tulay ang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang rehiyon.
Samantala, 109 lugar ang nakaranas ng power interruption dahil sa mga natumbang poste ng kuryente.
Facebook Comments