BuCor, nilinaw na hindi pa nahahanap ang inmate na nawawala sa loob ng Bilibid noong nakaraang buwan taliwas sa naging pahayag ni SOJ Remulla

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) sa publiko na hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang Person Deprived of Liberty (PDL) na una nang napaulat na nawawala sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang buwan.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nahanap na ang katawan nito sa isang septic tank.

Ayon kay BuCor Executive Assistant Angie Bautista, nagpapatuloy pa rin aniya ang paghuhukay sa naturang septic tank.


Paliwanag ni Bautista, nagkaroon lamang sila ng conclusion na maaaring nasa loob ng poso negro ang biktima matapos magsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng paneling at K9 sweeping.

Ang naturang paneling ay isinagawa sa 10 ektaryang lupain ng maximum security compound sa Bilibid sa tulong ng search and rescue dog ng PCG.

Batay sa ibinigay na report ng Coast Guard, nagkaroon ng dalawang indikasyon na magkasing amoy ang damit ng biktima bago siya nawala at ang damit na natagpuan sa loob ng septic tank.

Dagdag pa ni Bautista, nananatiling for verification pa rin kung sino ang natagpuan sa naturang poso negro.

Facebook Comments