Tulad ng target ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na 70 milyong mga Pilipino ang mabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine bago matapos ang taong kasalukuyan.
70 milyong mga Pilipino rin ang target ng Philippine Statistics Office na mairehistro sa National ID system ngayong 2021.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista na mayroon na rin silang mga ginawang hakbang upang maabot ang target number.
Ayon kay Bautista, noong Disyembre bumili ang ahensya ng karagdagang registration machines o registration kits para mas mabilis ang pagpapatala.
Sa ngayon ay nasa 17.4-M na mga Pilipino na ang nakapagpatala sa National ID.
Sa Mayo nakatakda namang ilunsad ng PSA ang online portal sa pagpapatala.
Kinakailangan lamang mag- fill-up ng personal information sa kanilang website hintayin ang schedule nang pagpunta sa registration centre, magdala ng valid ID at kapag natapos na ang proseso hintayin ng lamang ang National ID sa inyong mga tahanan.
Matatandaang Agosto 2018 nang isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilSys Act or Republic Act No. 11055 na naglalayong ilagay sa iisang ID ang mga government issued identification na nagiging pahirap sa mga Pilipino.