70-M Pilipino, target na maiparehistro sa national ID system hanggang sa katapusan ng 2021

Photo Courtesy: PTV

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagparehistro ng 70 milyong Pilipino sa ilalim ng national ID system hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, nagpapatuloy pa rin ang registration process sa mga lalawigan.

Aniya, nasa 20 million nakapagparehistro na ang nakakumpleto ng Step 1 ng registration, kabilang ang pangangalap ng demographic data tulad ng pangalan, permanent address, petsa at lugar ng kapanganakan, at blood type.


Umabot naman na sa 162,000 registrants ang nakakumpleto na ng Step 2 para sa validation ng supporting documents at pagkuha ng biometric information gaya ng fingerprints, iris scans, at front-facing photographs.

Habang ang ikatlo at final step ay mabibigyan na ng PhilSys Number at physical ID ang nakapagparehistro.

Matatandaang umarangkada ang unang hakbang ng pagpapatala ng mga Pinoy para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong October 2020 sa 32 probinsya na may mababa bilang ng COVID-19 transmission.

Facebook Comments