Mga atletang PInoy na sasabak sa 31st Southeast Asian Games, magsisimula nang mag-training sa New Clark City

47

Pinayagan na ang national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na simulan ang kanilang training sa New Clark City sa Capas, Tarlac at sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon kay Testing Czar at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at Chief Executive Officer Vince Dizon, pinababakante na niya ang mga quarantine center sa Marso 31 para magamit ng national athletes.


Ang nasabing mga pasilidad ang siyang magiging training camp ng Team Philippines na lalahok sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Matatandaang sa naturang venues pinag-quarantine ang halos 14,000 pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 kasama ang 3,600 na Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments