70% NG ELIGIBLE POPULATION NG LA UNION, INAASAHANG MAGIGING FULLY VACCINATED SA PAGTATAPOS NG TAON

Pumalo na sa 33. 78% o 201, 281 na residente ng La Union ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon sa Provincial Government inaasahan na sa pagtatapos ng taon ay makakamit nito ang 70% ng Eligible Population ang fully vaccinated.

50. 23% ang nabigyan ng first dose at target na makumpleto ang kanilang secon dose ngayong nobyembre.


Pinakamarami ang nabakunahan sa san fernando city na nasa 90, 000 at ang bauang na mayroong 55, 000 ang residenteng bakunado.

Nagpapatuloy naman ang paggawa ng iba pang pasilidad gaya ng COVID-19 isolation facilities sa Nagulian, Rosario at Baloan District Hospitals para sa mga COVID-19 patients.

Samantala, nakitaan naman nang pagbaba ng COVID-19 cases ang probinsiya na nasa higit 800 na lamang.###

Facebook Comments