NOVEMBER 13 SA PANGASINAN, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

Idineklara na special non-working holiday sa lalawigan ng Pangasinan ang November 13, 2021.

Ito ay bunsod ng paggunita sa kapanganakan ni Speaker Eugenio Perez sa nasabing petsa.

Ang deklarasyon ay batay sa inilabas na Republic Act No. 6721 na inaprubahan noong March 20, 1989.


Nakasaad sa proklamasyon na nararapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mga Pangasinense na ipagdiwang at makiisa sa nasabing okasyon dahil sa marami itong naging ambag sa probinsiya.

Si Perez ay isinilang noong Nov. 13, 1896 sa Basista, Pangasinan.###

Facebook Comments