Tinaob na ng social media ang telebisyon bilang nangungunang source ng balita.
Batay sa PAHAYAG End-of-the-Year survey, 70% ng mga respondents ang nagsabing sa social media na sila nangangalap ng balita, mataas kumpara sa 58% ng mga respondents na nakadepende pa rin sa telebisyon.
Patuloy na bumaba ang mga kumukuha ng balita sa pahayagan o print media na nasa 50%.
Ang Facebook at YouTube ang madalas na ginagamit ng mga tao kung saan ginagamit ito lagpas ng limang oras.
Mas marami na ang nanonood sa video streaming platform na Netflix kumpara sa Cable Television.
Ang survey ay independent at non-commission na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. mula December 3 hanggang 9, 2020 sa 1,500 respondents partikular ang mga rehistradong botante.
Facebook Comments