70% ng PNP personnel, handa nang i-deploy para sa vaccination rollout

Nasa 70% ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang handa nang mai-deploy para magbigay ng seguridad sa COVID-19 vaccines at inoculation teams para sa vaccination rollout.

Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Ildelbrandi Usana, ang aktwal na bilang ng mga ipapakalat nilang pulis ay nakadepende sa pangangailangan ng mga vaccination site.

Sa kabila ng pagbibigay-seguridad sa vaccination rollout, tiniyak ni Usana na magpapatuloy pa rin ang anti-criminality operations sa tulong ng iba pang law enforcement agencies.


Matatandaang inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pulisya na tiyakin ang seguridad ng mga bakuna para maiwasan ang anumang abala sa distribusyon nito at sa mismong proseso ng pagbabakuna.

Bukod sa pagbibigay ng seguridad, ide-deploy rin ang PNP ang medical reserve force nito para tulungan ang mga health workers sa pagtuturok ng bakuna sa mga recipient.

Facebook Comments