70 REAM NG PEKENG SIGARILYO, NASAMSAM SA ISINAGAWANG ENTRAPMENT OPERATION

Kalibo, Aklan- Kalaboso ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng pekeng sigarilyo sa isinagawang entrapment operation kahapon sa C. Quimpo St. Kalibo, Aklan.
Nakilala ang suspek na si Bernardo Agustin, 39 anyos at residente ng nasabing lugar.
Dahil sa ilang reklamo na natanggap ng mga otoridad, isinagawa ang entrapment operation kahapon ng miyembro ng CIDG, Kalibo PNP at PIU kung saan nasabat ang 70 ream ng pekeng sigarilyo.
Kinumpirma naman ng JT International- Inc, Mighty Sales Representative na peke nga ang benebenta ng lalaki.
Depensa ng suspek wala umano siyang alam na peke pala ang kanyang benebenta sapagkat may nagsusupply lamang sa kanya.
Sa ngayon ay nakatakdang sampahan ang suspek ng paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Rights.

Facebook Comments