Tinatayang nasa 700 COVID-19 testing machines pa sa bansa ang hindi magamit dahil sa red tape.
Ayon kay Anakalusugan Representative Mike Defensor, partikular dito ang GeneXpert testing machines na ibinigay sa Department of Health (DOH) ng The Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis and Malaria na nakabase sa Geneva.
Bagama’t sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang existing TB laboratories ay pwede nang magamit bilang COVID-19 testing sites, kailangan pa rin nitong sumailalim sa hiwalay na licensing para sa coronavirus screening.
Sa ngayon, marami nang GeneXpert units ang nakakabit sa TB diagnostic laboratories ng mga pampublikong ospital ang pwede nang magamit sa COVID-19 testing.
Facebook Comments