Dating senador Bongbong Marcos, nanindigan na galing sa University of Oxford ang kanyang degree

Nanindigan ang presidential candidate at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagmula University of Oxford ang kaniyang degree.

Kasunod ito ng akusasyon ng Philippine Oxford Society, isang grupo ng mga Filipino alumni sa umano’y peke ang academic achievements ng dating senador.

Ayon sa kampo ni Marcos, mismong ang prestihiyosong unibersidad ang nag-isyu ng degree confirmation at nasa kanila na kung hahamunin nila ang inilabas ng Oxford.


Muli namang iginiit ni Atty. Victor Rodriguez, chief of staff ni BBM na naging tapat ang presidential aspirant sa conferment ng special diploma in social studies na iginawad sa kanya ng unibersidad at kailanman ay hindi nagkaroon ng misrepresentation sa kaniyang Oxford education.

Facebook Comments