700 election hotspots, ika-categorized ng Comelec at PNP

Umabot na sa 701 na ang election hotspots sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Tumaas ang bilang nito matapos magtakda ng bagong parameters ang Comelec at PNP na siyang bubuo ng election security strategies.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – ang parameters ang magsisilbing panuntunan para matukoy kung ang isang lugar ay maituturing na hotspot, kabilang ang presensya ng matinding awayan sa pulitika, presensya ng threat groups at election related violence.


Sinabi rin ni Albayalde – lumobo rin sa 94 ang election areas of grave concern mula sa dating 19.

Ang election hotspots ay ikanategorya sa pamamagitan ng kulay:

*Red category* – mataas ang insidente ng election related violence at pandaraya

*Orange category* – kapag ang lugar ay may seryosong banta mula sa New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang bandidong grupo.

*Yellow category* – kapag ang lugar ay may naitala ng election related incident at political rivalry sa mga nagdaang halalan at dati nang idineklara sa ilalim ng Comelec control.

*Green category *– walang banta ng karahasan o election related incidents.

Facebook Comments