700 na pasahero, ibinaba matapos magka aberya ang isang tren ng MRT3

29

Bandang  8:28  nang magka aberya ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 na biyaheng Northbound sa Guadalupe station.

Ayon sa MRT3 management, electrical failure dahil sa lumang motor ng tren ang tinukoy na dahilan ng nangyaring aberya.


Dahil dito,  abot sa 700 na pasahero ang napilitang bumaba at pinaglakad kanina sa riles ng tren matapos na magka aberya ang isang tren.

Agad namang nailipat ang mga pasahero sa interstation ng Guadalupe at Buendia pagkalipas ng walong minuto.

Facebook Comments

From Advertisers