Cauayan City, Isabela- Naitala ang 700 na panibagong positibong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa buong Lambak ng Cagayan.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health Region 2 as of January 14, 2022, umakyat pa lalo sa 4,879 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon matapos madagdagan ng 700 na bagong kaso.
Sa parehong araw, naitala rin ang 32 na bagong gumaling sa COVID-19 habang walo naman ang naiulat na nasawi.
Umaabot naman sa 131, 515 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit sa rehiyon habang nasa 5,087 naman ang naitalang COVID-19 related deaths.
Pumalo naman sa 141,567 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon dos.
Facebook Comments